MAINE MENDOZA MAGBABALIK NA SA EAT BULAGA NGAYONG DARATING NA ARAW SA NEW YEAR!


Kinumpirma ng manager ni Maine Mendoza na babalik na sa Eat Bulaga! ang kalahati ng AlDub loveteam sa January 1, 2018.



Magta-tatlong linggo nang hindi napapanood si Maine sa noontime show na umeere sa Kapuso network.



Ang pagkawala ng TV host-actress sa Eat Bulaga! ay bunsod ng bashing na naranasan nito matapos mabalitaan ng fans na nakipag-group date siya kasama si Jake Ejercito.



Kasalukuyang nasa U.S. ang Dubsmash Queen kasama ang kanyang pamilya.



Sa ulat ni Salve Asis sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ngayong Martes, December 19, kinumpirma ni Rams David na babalik na si Maine sa Kapuso noontime show. Live kasi ang Eat Bulaga! tuwing Bagong Taon at lahat daw ng hosts ay mapapanood sa show.



Ayon kay Rams, “Definitely she’ll be back. "Alam naman nating she’s having a good time sa States with her family. Doon sila magki-Christmas.”Dagdag pa sa ulat, kailangan daw makapagpahinga kahit ilang linggo ng phenomenal star dahil na rin sa pagod at sa dami ng trabaho nito.



Ani Rams, “Sobrang napagod sa rami ng trabaho. "Saka remember, hindi naman siya showbiz, di ba? "So, two years na mahigit na para siyang a fish out of the water. Bigla nating itinulak sa jungle! "Dalawang taon niyang hinarap ang lahat ng challenges, ups and downs. Lahat."



Tungkol naman sa open letter na ginawa ni Maine para sa fans nila ni Alden Richards, hindi raw ibig sabihin nito ay tatalikuran na ni Maine ang showbiz. Saad ni Rams, “Yung open letter naman doesn’t mean na umayaw siya. "Ang daming speculations na kesyo ganito, kesyo ganyan. Wala."None of those speculations are true! “Ang totoo lang, nagbakasyon lang siya. Kasi Pasko naman. She deserves it.” 



Tuloy na rin daw ang movie na pagsasamahan nina Maine at Alden. Na-delay lamang daw ito dahil binago ang takbo ng istorya. Pinabulaanan naman ni Vic Sotto ang napapabalitang suspendido si Maine sa show dahil sa kanyang ginawang open letter.

MAINE MENDOZA MAGBABALIK NA SA EAT BULAGA NGAYONG DARATING NA ARAW SA NEW YEAR! MAINE MENDOZA MAGBABALIK NA SA EAT BULAGA NGAYONG DARATING NA ARAW SA NEW YEAR! Reviewed by Jing on December 19, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.