HANGGAT MAARI IWASAN ANG PAGKAIN NG EGG O ITLOG, ITO PALA AY NAKAKASAMA!


MARAMI ang nagtatanong kung ilang itlog ang puwede nilang kainin? May magandang balita at hindi magandang balita tungkol sa itlog. Ang itlog ay may protina, vitamin B12, vitamin D, riboflavin at folate. Mabuti ito sa katawan at masustansya.


Ngunit sa kabilang banda ay may 213 milligrams ng kolesterol ang isang pula ng itlog. Mataas ito sa kolesterol dahil ang rekomendasyon ng American Heart Association ay huwag kumain ng lampas sa 300 milligrams ng kolesterol sa isang araw.


Sari-sari ang opinyon tungkol sa itlog. Ngunit ang sasabihin ko ngayon ay ang deklarasyon ng mga doktor ng American Heart Association at Philippine Heart Association. Heto ang payo namin:


1. Kung ika’y malusog, walang sakit sa puso, diabetes o problema sa kolesterol, puwede kang kumain ng 1 itlog sa isang araw. Mag-ingat lang sa mga kasamang pagkain ng itlog tulad ng hotdog, bacon at tocino. Piliin ang boiled egg kaysa sa pritong itlog.


2. Kung ika’y may sakit sa puso, diabetes o mataas ang kolesterol, kailangan limitahan mo ang pagkain ng itlog sa 3 itlog lang sa isang linggo. Kung gusto mo kumain ng itlog, mas mabuti ang puti ng itlog na lang ang kainin at huwag na ang pula o egg yolk. Nasa egg yolk kasi ang kolesterol.


3. Eat eggs in moderation. Sa kahit anong bagay ay dapat hinay-hinay lang ang pagkain. Kapag sinobrahan mo ang isang bagay, puwede itong makasama sa iyo.


Ano ang mangyayari kapag kumain nang maraming itlog? Ayon sa mga pagsusuri, ang pagkain ng lampas sa 1 itlog sa isang araw ay puwedeng magdulot ng bara sa ugat ng puso at panghihina ng puso. Para sa akin, hindi ko maipapayo ang pagkain ng lampas sa 1 itlog sa isang araw. Kailangan ay balanse ang ating diyeta. Kumain ng (1) gulay, (2) prutas at (3) isda.


Masustansya ang gulay tulad ng kangkong, malung­gay, carrots at kalabasa. Sa mga prutas, sagana sa bitamina ang saging, suha at mansanas. Sa isda na­man, mabuti sa katawan ang sardinas, tuna at ba­ngus belly.


Kaibigan, gulay, prutas at isda lang talaga ang ma­sasabi kong subok na sa sustansya para sa ating katawan. Good luck po!

HANGGAT MAARI IWASAN ANG PAGKAIN NG EGG O ITLOG, ITO PALA AY NAKAKASAMA! HANGGAT MAARI IWASAN ANG PAGKAIN NG EGG O ITLOG, ITO PALA AY NAKAKASAMA! Reviewed by Jing on January 28, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.