JOSE MANALO TALAGANG PINAGTAWANAN NG TAO MATAPOS NIYANG GAYAHIN ANG GALAW AT KILOS NI WILLIE REVILLAME!


Usap-usapan na ang nakatutuwang mga eksenang naganap noong Sabado, Disyembre 17, sa dalawang sikat na variety shows sa bansa—ang longest-running at number one noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga!, at ang primetime show ng TV5 na Wil Time Bigtime. Nag-umpisa ang lahat sa pag-i-impersonate ng Eat Bulaga! co-host na si Jose Manalo kay Willie Revillame, na main host naman ng Wil Time Bigtime.


Nangyari ito nang pumalpak sa pagpapasalamat ang "Sugod Bahay" winner ng Eat Bulaga! segment na "Juan For All, All For Juan," kung saan regular host si Jose, kasama sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros. Ang winner ay isang ginang na nagngangalang Lilvisminda mula sa Brgy. Doña Aurora, Quezon City.


Matapos ibigay ng grupo ni Jose ang ’sandamakmak na mga premyo at regalo kay Lil ay nagkamali ito ng pagpapasalamat. Imbes na Eat Bulaga! ang pasalamatan nito, si Willie ang pinasalamatan. Pagkabigay ni Wally Bayola ng cash prize at gift pack mula sa isang brand ng gatas ay nagpasalamat ang winner.


"Thank you, thank you, Willie," sambit ni Lil, habang nakatingin kay Wally Hirit naman ni Wally, "Wally po. "Ay, sorry, sorry," nakangiting sabi ng winner, habang tawa nang tawa si Jose.


Ginawan na lang ng katatawanan nina Vic Sotto, Jose, at iba pang hosts ng Eat Bulaga! ang sitwasyon.


"Sino raw?" tanong ni Bossing Vic. Sagot ni Jose, "Willie. Nakadikit kasi yung pangalan mo [Wally], e." "Sinong Willie?" tanong ulit ni Bossing. "Willie Nepomuceno!" natatawa pa ring sabi ni Jose.


Sabat naman ni Tito Sotto, "Wally ang gusto niyang sabihin. Iba ang sinabi." Ani Bossing, "Tanong mo kung sinong Willie." "Willie Revillame po," honest namang sagot ng winner. Biro ni Bossing, na ang tinutukoy ay ang mga papremyo ng Eat Bulaga!: "Okay, pakikuha na lahat iyan! Papuntahin mo sa TV5 ’yan, dali.


"Dun mo papuntahin yan, dun sa kendeng-kendeng [isa sa mga kanta ni Willie]. Dun siya magkekendeng kamo. "Ano pa ang hinihintay n’yo? Umuwi na kayo. Dalhin n’yo yung lechon."


ADDITIONAL FUMBLE. Tinanong tuloy ni Wally ang contestant kung talagang nanonood siya ng Eat Bulaga?


"Opo."’ Solid Dabarkads ba siya? "Opo."Hep, Hep... "Hurray!" sabi nito.


Kaya lang, ang "Hep Hep Hurray" ay naging game, hindi ng Dabarkads, kundi ni Willie, sa dating programa nito sa ABS-CBN na Wowowee. Biro ni Wally, "Solid Dabarkads nga, Bossing. Sugod Bahay Gang, bawi!" Pinasayaw pa nila ng kendeng-kendeng si Lil habang kinantahan ni Bossing. Walang ginawa ang live audience kundi tumawa. IMPERSONATING WILLIE. Dito na nga inumpisahang i-impersonate ni Jose si Willie habang kumakanta ng "Giling-Giling" ng Wil Time Bigtime host.


Pagkatapos ay sumigaw ng, "Kayo ang Bigtime!" Samantala, humirit naman ng isa pang kanta ni Willie si Joey de Leon na nasa studio. Sunod ay ginaya ni Jose pati ang mga gawi ni Willie sa pagho-host nito. Gayundin ang pag-aayos nito ng damit habang nagsasalita, pati na ang ugali nitong pagkumpas ng kamay at pagngingiwi.


Pati ang pamimigay ni Willie ng jacket at ng album CD niya sa mga matatanda at studio audience ay inihirit ni Jose. May dialogue pa si Jose na, "Pag hindi n’yo tinanggal iyan, ako ang magre-resign dito!" Ito ang pamosong statement ni Willie noong panahong may alitan sila ni Jobert Sucaldito, kung saan pinatatanggal niya sa ABS-CBN ang tabloid columnist at TV-radio host. Humantong ito sa pagkaka-alis nga ni Willie sa Kapamilya network.


Ginaya naman ni Wally si April "Congratulations" Gustilo, na sa tuwing magbibigay ng papremyo sa programa ni Willie ay sumasayaw at pagkatapos magbigay ng cash prize ay sumisigaw ng "Congratulations!" Hirit pa ulit ni Jose, "Alin ang gusto n’yo rito? Sa red, sa white, sa blue, pili na kayo!"


Isa rin ang naturang pilian ng kulay sa games sa Wil Time Bigtime. Ginaya naman ni Paolo Ballesteros si Shalani Soledad, ang unang female co-host ni Willie, lalo na sa malumanay nitong pagsasalita. Sumabat naman uli si Joey de Leon, "Hoy Willie, padalhan mo kami ng regalo mo!" Sagot naman ni Jose, as Willie, "Joey, relo, pabibigyan kita ng relo.


"Gusto mo ng condo, bibigyan kita ng condo.
"Gusto mong mag-shopping, dun ka sa mall ko, meron dun."


Ang tinutukoy na relo ni Jose ay ang iniendorsong relo ni Willie na Techno Marine, na ipinamimigay niya sa kanyang show. Ang condo naman at mall ay ang Wil Tower Mall, na ipinapatayo ni Willie malapit sa ABS-CBN. Kumanta pa ng signature love song ni Willie si Jose, ang "Ikaw Na Nga."


Sa pagpapatuloy ng pamimigay ng papremyo kay Lil, humabol pa ng hirit si Jose, "Galing po sa Eat Bulaga!, eto po ang maagang Pamasko. "Bakit? Walong araw na lang Pasko na. Willie Christmas po sa inyo!" Hindi naman nakatiis si Bossing at humirit pa ng, "Galing sa Eat Bulaga!? Hindi, galing ’yan sa Bulaga Bigtime."


Maging si Joey ay nagpahabol din ng hirit: "Willie, kailan mo tatanggalin si Sugar [Mercado]? Tanggalin mo na." Si Sugar ay dating bahagi ng Eat Bulaga! at nakasama pa ni Bossing Vic sa kanyang sitcoms. Ngayon ay isa sa mga co-hosts ni Willie ito sa Wil Time Bigtime.


Dagdag pa ni Bossing, "Oo, tutal wala namang pakinabang yun, o." Sagot ni Jose, as Willie:"Mabait naman. Pinag-iisipan nga natin. "Medyo iyak lang nang iyak itong batang ito, e. Iyakin pala ito. "Gusto n’yo ibalik ko sa inyo e." Sabi naman ni Bossing Vic, "Huwag, diyan na lang, brod." Pagkatapos ay tinapos na nila ang pamimigay ng papremyo kay Lil.


Watch the video below

JOSE MANALO TALAGANG PINAGTAWANAN NG TAO MATAPOS NIYANG GAYAHIN ANG GALAW AT KILOS NI WILLIE REVILLAME! JOSE MANALO TALAGANG PINAGTAWANAN NG TAO MATAPOS NIYANG GAYAHIN ANG GALAW AT KILOS NI WILLIE REVILLAME! Reviewed by Jing on January 02, 2018 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.