ANAK NINA PAULEEN LUNA AT VIC SOTTO BIBINYAGAN NA NGAYONG DECEMBER 10!



GORGY RULA: Sa katatapos lang na presscon ng Meant to Beh, binanggit ni Vic Sotto na sa Linggo, December 10, na ang binyag ng baby nila ni Pauleen Luna na si Talitha Maria.
Gaganapin ang binyag sa St. James Parish Church, ang simbahang pinagkasalan nilang dalawa.



Nang nakausap ng PEP Alerts Squad si Pauleen, sinabi nyang very intimate lang ang selebrasyong ito sa kanilang anak, na pamilya nila at malalapit na kaibigan ang inimbita.
Apat na pares lang daw ang ninong at ninang. Kabilang dito sina Alden Richards, Ruby Rodriguez, ang kapatid ni Bossing Vic na si Maru Sotto, at kapatid din ni Pauleen na si Miki Luna.
Darating kaya si Maine Mendoza sa binyagan?



NOEL FERRER: Congratulations kina Bossing Vic at Pauline sa binyag ng kanilang baby Talitha Maria!Wala namang kaso kung pumunta si Maine sa binyagan dahil iisang pamilya ang Dabarkads. (Nilinaw din ni Bossing sa presscon na hindi suspended si Maine sa Eat Bulaga.)



Wala ring kaso kung magkita man sina Maine at Alden doon, after all, they are friends, di ba?
JERRY OLEA: “Pamilya at malalapit na kaibigan ang inimbita.”Ibig sabihin, hindi inimbita si Maine?Baka naman isasama ni Alden ang kanyang friend.Malamang, dadagsa ang mga yaya sa Saint James the Great Parish ng Muntinlupa sa Linggo. Pustahan tayo!

ANAK NINA PAULEEN LUNA AT VIC SOTTO BIBINYAGAN NA NGAYONG DECEMBER 10! ANAK NINA PAULEEN LUNA AT VIC SOTTO BIBINYAGAN NA NGAYONG DECEMBER 10! Reviewed by Jing on December 07, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.