MGA SSS PENSIONER MAS YAYAMAN NGAYONG PANAHON NG KAPASKUHAN DAHIL SA 13TH MONTH PAY NA IPAMIMIGAY NA!


Kinumpirma ng Social Security System (SSS) na matatanggap na ng milyon-milyon nilang pensioner ang kanilang 13th month pension ngayong buwan.



Ayon kay SSS President and Chief Executive Emmanuel Dooc, ang naturang benepisyo ay maari ng makuha simula ika-1 hanggang ika-8 ng Disyembre. Sinabi din na SSS na nauna na nilang nai-release ang halaga ng pension sa kanilang mga partner banks mula pa noong ika-15 ng Nobyembre.



Inaasahang higit 2.2 milyong pensyonado ang makikinabang sa nasabing 13th month pay.



Dagdag pa ni Dooc, inabisuhan na nila ang kanilang mga partner banks na siguruhing ang pagre-release ng 13th month pension ay hindi lalagpas ng ika-8 ng Disyembre kasabay ng basic monthly pension upang mapakinabangan ito ngayong Kapaskuhan.


“We have already asked the banks to release the 13th month pension not later than December 8 while we leave to the discretion of the disbursing banks if they will release the regular monthly pension for December along with the 13th month pension or to release it based on the bank’s usual schedule of the release of monthly pension,” paliwanag ni Dooc.



Iginiit din ni Dooc na ang halaga ng 13th pension ay katumbas ng natatanggap na basic monyhly pension ng isang pensyonado.

Panoorin ang videong ito:

MGA SSS PENSIONER MAS YAYAMAN NGAYONG PANAHON NG KAPASKUHAN DAHIL SA 13TH MONTH PAY NA IPAMIMIGAY NA! MGA SSS PENSIONER MAS YAYAMAN NGAYONG PANAHON NG KAPASKUHAN DAHIL SA 13TH MONTH PAY NA IPAMIMIGAY NA! Reviewed by Jing on December 06, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.